Hanapan ang Blog na Ito

Linggo, Abril 8, 2012

Ang Filipina


Ang mundo ay nagsimula
Filipina ang nakita
Kayumia’y nasilayan
Kabaita’y naramdaman.


Noong ikadalawampung dekada
Ang Filipina’y sa tahanan lamang
Sa pamilya lang pansi’y nakatuon
Ang pinapahalagaa’y Panginoon.


Sa panahon ng musika
Ito’y dekada siyesienta
Ang Filipina ay sumaliw
Ang tugtog ang naging aliw.


Sa modernong panahon
Filipina’y simulang nag-iba
Pananamit, ugali at kultura
Ngunit puso’y inilalaan pa



Ang Filipina, sa mundo ng hiwaga
Nagsimula ang isang istorya
Kagandahan ay kanyang ipinakita                                                                            
Katapangan ay kanyang ginawa.



Pagsapit ng ikatatlumpong dekada,
Mata’y namulat sa kagandahan niya
Ang buhay umikot sa daigdig;
Sa daigdig na sadyang masaya. 



Nang sumapit itong dekada
Filipina,napansin sa pinalakang tabing
Sa patimpalak ng kagandaa’y
Ang Gloria ay naipakita.


Mundo’y nagulo nang nagsimula;
Nagsimula ang pandaigdigang kaguluhan
Kaguluhan nagbigay takot sa Filipina
N gunit ang Filipina ay lumaban.



Ang babaing matapang ay nakita
Noong dekada otsiyenta
Pilipinas ay pinalaya
Pinalaya sa masama.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento